Huwebes, Nobyembre 16, 2017

Mga Natutunan, Karanasan at Komento sa Masining na Pagpapahayag

Magandang araw !

Ano nga ba ang kahalagahan ng asignatura na ito sa buhay naming mag-aaral?
Ngayon ay ibabahagi ko sa inyo kung ano ang aking natutunan, karanasan, at komento sa
Masining na Pagpapahayag.

Alam naman natin na lahat tayo ay kumukuha ng asignatura na ito upang mapalawak pa ang ating mga kaalaman. Kagaya ko na sa tagal ng panahon na hindi ako nakapasok ay hindi ko malalaman na hindi lang iisa ang pinag-aaralan sa Filipino kung hindi ay mas marami pang dapat maintindihan at mapagaralan. Kaya naman sa pagkakataong ito lubos akong nasiyahan dahil marami pa akong natutunan sa pag-aaral ko ngayon, halimbawa na lamang ng paggagawa ko nitong blog syempre natutunan ko iyan sa klase namin pati na rin sa aming guro. Oh di ba higit na nahahasa ang aking isipan at kakayahan sa mga bagay-bagay na hindi ko pa alam. Sa panahong iginugugol namin sa asignatura na ito natutunan din namin na makisalamuha sa tuwing magkakaroon ng pangkatang gawain dahil hindi lamang mga kaibigan ko ang nakakasama ko pati na rin yung ibang kaklase ko na hindi ko malimit makaimikan.

At dahil sa gawain na ito nakikilala ko ang bawat isa. Minsan nakakaantok sa klase dahil ang oras ay 11:30am-01:00pm, pero dahil kailangan, ay pinipilit kong maging aktibo sa klase dahil kung hindi, siguradong tatawagin ako ng aking guro, nakakatakot minsan ang aming guro dahil hindi mo namamalayan na ikaw na pala ang tatawagin, nerbyosin pa naman ako. 😂 Alam kong alam niyo rin ang pakiramdam na tatawagin nang walang kaalam-alam. Nakakagulat di ba? Pero kailangan mo pa rin sumagot, kaya kapag ganon mag-aral o magbasa na kaagad sa bahay. Mahalaga ang may alam na para kapag tinanong ka may maisasagot ka.

Ako bilang isang mag-aaral na magiging isang guro sa kasalukuyan,  nakita ko sa mga guro namin ang dedikasyon nila sa pagtuturo, ang pasyon nila sa pagtuturo lalo't higit ang pagmamahal nila sa karerang napili nila na higit na hinahangaan ng mga estudyante sa kanila.

Maraming Salamat po,
Bb. Mary Ann E. Talban

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento